root word: hayok
pagkahayok
starvation
In Tagalog, the meaning of this word has become extended to mean avarice or greed.
Ang pagkadayukdok, pagkahayok, o istarbasyon ay ang malubhang pagbaba ng pagpasok ng bitamina, nutriyente, at enerhiya sa katawan. Ito ang pinakamalubhang uri ng malnutrisyon, kung kaya’t may katagang pagkamatay sa labis na gutom.
Ang pagkahayok ay nagiging sanhi rin ng kasuwapangan. Ito ay ang labis na pagnanasa sa kayaman na maaaring isagawa ng nagmamadali at sa kahit na anumang kaparaanan. Katumbas ito ng pagkaganid, kasibaan, kayamuan, katakawan, kasakiman, abarisya, kahayukan, karamutan, kagulangan, at mayroong pag-iimbot, panlalamang o sobrang panggugulang, at pagsasamantala sa pangangamkam. Sa Kristiyanismo, itinuturing ito bilang isa sa pitong mga kasalanang nakamamatay.
Ayon sa ilang mga pilosopo tulad ni Gandhi, ang isip ay siyang ugat ng lahat ng pagkahayok. Ang hindi pagkain, kung gayon, ay may gamit na may hangganan, sapagka’t ang taong hindi kumakain ay maaaring patuloy na tinatakaw ng kapusukan sa laman.