Sa Maynila at malalaking lungsod ang mga kapit-bahay ay hindi nagkakakilala samantalang sa mga munting nayon ang pagpapalagayan ng mga tao ay parang magkakapatid. Sila’y nagtutulungan at nagdaramayan. Iyan ang magandang ugaling ipinamana sa atin ng ating mga ninuno na dapat panatilihin sa salin ng lahi.
Ang magkakanayon ay nagtutulungan sa pamamagitan ng pabayani tulad ng pagtatanim, pagpapatubig, pag-aani, pagbubungkal ng lupa, pagpapabakod at pagtatayo ng bahay.
Kahit sa isang kanayon ay walang perang gugugulin, subalit siya nama’y marunong makisama’t makiramay, siya’y nagtatagumpay sa anumang balak sapagkat ang puhuhnan niya’y ang pagtulong ng mga kaibigang hindi marunong magpabaya.
English translation to be added to this page soon!