NGITI

ngi·tî

ngitî
smile

matamis na ngiti
a sweet smile

magandang ngiti
pretty smile, great smile

Ang ganda ng ngiti mo.
You have a beautiful smile.

abot tenga ang ngiti
“a smile that reaches the ear” = a wide grin

ngiting aso
a canine smile (sneering, like that of dog)

ngiting kabayo
an equine smile (big and enthusiastic, like that of a horse)

Ngiti naman.
C’mon, smile.

Bakit ka nakangiti?
Why do you have a  smile on?

Ngitian mo ako.
Smile at me. Give me a smile.

Ang ganda ng ngiti mo.
Your smile is so beautiful.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

ngitî: anyo ng mukha na may kalakip na pagningning ng mga matá, tahimik na pag-angat ng magkabilâng sulok ng bibig, hindi gaanong gumagamit ng mga másel gaya sa tawa, nagpapahiwatig ng kasiyahan, lugod, paggiliw, pagsang-ayon, tinitimping aliw, parikala, o pag-uyam

masayang bukas ng labi, ngunit walang ingay; pigil na pagtawa

ngitî: maaliwalas, kasiya-siya, mapag-engganyong anyo o hulagway

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *