root word: ngatál (katál)
nangangatal
tremulous
KAHULUGAN SA TAGALOG
nangangatal: nanginginig ang katawan o tinig dahil sa galit, takot, o ginaw
Bagamat nangangatal din sa takot ay hindi ko natiis na hindi bumalik para masiguro ang hinala.
Tinahak ko ang ibang daan. Nagkakaipon ang mga usyoso sa Quezon Avenue. Gayundin sa overpass na tawiran ng tao, at sa iba pang lugar na natatanaw ang pagkakagulo.
Pinilit kong makisiksik. “Isnatser. . . isnat- ser. . .” ang lumulutang sa mga usap-usapan. Nang makasingit ako ay binubuhat na sa mga paa at kamay na parang baboy ang duguang bangkay.