root word: mutawi
namumutawi
being uttered
Masasala ang tubig, ngunit hindi ang namumutawi sa bibig.
Water can be filtered , but not what comes out of the mouth.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
mutawì: diin ng pagbigkas ng salitâ
mamutawi: lumabas sa bibig, sabihin, bigkasin
namutawi: lumabas sa bibig, sinabi, binigkas
namumutawì: lumalabas sa bibig, sinasabi, binibigkas
ang namumutawi: ang lumalabas sa bibig
Ang tao’y nakikilala sa namumutawi sa bibig. Kung nagsasalita ng katalinuhan ay napakikilalang matalino, at kung nagsasalita ng kamusmusan at kahangalan ay napakikilalang musmos at hangal.