root word: baybáy
passing along the edge of; bordering
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
baybáy: lupa sa gilid
namamaybay: gumigilid
namamaybay: dumadaan o lumalakad sa gilid ng lupa o tubig
Ang munting kanal na namamaybay sa lansangan ang tanging pag-asa ng mga magsasaka bilang patubig.
Namamaybay siya sa gilid ng kalsadang naging ilog.
Binigyan niya ako ng ideya tungkol sa pangangalakal ng mga barkong namamaybay sa Bisaya.
Isang gabi, pauwi na akong tumatawid sa bukid nang matanawan ko sa karimlan ang isang taong namamaybay sa pilapil.
Ang Kabundukan ng Sambales ay nagsasapol sa Tangos ng Bolinaw at namamaybay sa Karagatan ng Tsina hanggang sa baybayin ng Bataan.
Di niya namalayang namaybay na pala siya sa may ilog.
O, lasong namamaybay sa bawat himaymay ng aking laman!
Dapat ba akong manatiling namamaybay sa patlang?
Tumunghay si Moises sa ibaba, sa may dako ng sapa, at namalas niya: may tatlumpung lalaki ang namamaybay sa tabing-sapa. Sa taya niya’y armado ang bawat isa.
Sa kadiliman ay kanilang naaninaw na may isang aninong dumarating na namamaybay sa bakod.
misspellings: namabaybay, namaymaybay