NAMALASAK

namalasak: become popular and common

KAHULUGAN SA TAGALOG

namalasak: naging karaniwan

mamalasak, namamalasak, mamamalasak)

Pinuna ni Balagtas ang mga kamalian at di-mabuting kaugaliang namalasak at nagkaugat tulad ng pagpapabukas, pagpapalayaw sa anak, pagkamapaniwalain o mapagtiwala, pagbabalatkayo, pagkamainggitin, at pagkamapanghamak.

Sa bodabil at stage show naman na namalasak sa panahon ng Amerikano hanggang sa kasalukuyan, halos sambahin ang mga Pilipinong gumagagad kina, at kamukha nina, Elvis Presley at Tom Jones (tulad ni Eddie Mesa at Victor Wood).

Isang awiting namalasak noong panahon bago dumating ang digmaan laban sa Hapon ay pinamagatang “O Babaing Walang Kibo” parunggit sa kayumian at kawalang-tinig ng babae.

Namalasak ang mga akdang nagpakita ng magiging kapalaran ng sinumang sumira sa katwiran tulad ng mga kabataang mapusok, asawang mapanibughuin at taong gahaman sa salapi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *