root word: talakop
natalakop: encircled, as in for an attack
Ipinaliwanag minsan ni Blas F. Ople na posibleng kumandidato si Pangulong Corazon C. Aquino kapag “nagtalakop ang mga puwersang pampolitika” na pipilit sa kaniya para lumaban sa eleksiyong 1992. Nagtalakop? Hinahangaan si Ople sa kaniyang madulas at pambihirang gamit ng wikang Tagalog. Maraming nanonood noon sa TV ang nakadarama sa kaniyang ibig sabihin ngunit walang nakatitiyak sa kahulugan ng “nagtalakop.”
— Filipino ng mga Filipino: mga problema sa ispeling, retorika, at pagpapayaman ng wikang pambansa (2009) ni Virgilio S. Almario
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog;
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dibdib mo’y ayaw nang magdaluyong…
Tinatalunton niya ang landas ng paang patungo sa Tambakan, at dinadalaw ang kanyang kumare. Doon niya pinasisingaw ang panggigipuspos ng kanyang dibdib. Nagtalakop ang mga gunitang iyan sa pagod na isip ni Iska nang masaksihan niya ang tandisang kataksilan ni Kosme, na kitang-kita ng kanyang mga mata. Iniwan ang kanyang talagang gawain sa handaan at inasikaso ang biyudang si Cely. Gayunma’y nagpakatimpi pa rin kahit nagkakabuhol…
misspellings: taklop, nagtataklop