root word: sikdó
KAHULUGAN SA TAGALOG
sikdó:malakas na pintig ng puso, lalo na ng isang natatakot
magpasikdó, sumikdó
nagpapasikdo: nagpapatibok, nagpapapintig
nagpapasikdo tuwina sa kaniyang puso
Nagpapasikdo sa puso ni Mang Ruben ang paglingon ng dalagita. Ang bukid o ang lunting bukid ay nagbabaga. Kailangang maabutan niya ang dalagita. Mula sa abuhing balumbon ng ulan sa kanluran, nagsimulang humihip ang hangin. Nagkiskisan ang mga dahon ng palay. Nagtila ibabaw ng lawa ang palayan. “Hahabulin kita kahit sa ibabaw ng tubigan.” Biglang gumuhit sa langit ang sanga-sangang kidlat. Sa isang saglit parang kay Rosita nagmumula ang nakasisilaw na liwanag.
In the Hiligaynon language, sikdò means sinok.