root word: bagbág
Haring noon ay may galit
nabagbagan din ng dibdib,
ang dalawang napipiit
sa palasyo’y pinapanhik.
Nabagbagan siya ng awa…
Si Ninay, na may pusong maawain, katulad ng masusungit na ulap na nagiging matamis na ulan, ay nabagbagan ng habag sa mga huling sinabi ng nagsisising dalaga, iniunat ang kamay at ang isinagot: — Tumindig ka na, kapatid ko.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
bagbág: tibág (unti-unting pagkabawas o pagkagiba ng kabuuan, gaya ng lupà na natibag dahil sa kinain ng ulan o hangin, tinangay ng bahâ o kayâ’y sinadyang pagtibag nitó)
Si Aling Orang, sa kanyang pagkakaupo sa tabi ng maysakit, ay waring nabagbagan ng loob.
nabagbág ang kaloóban: naawa
Nabagbág ang kaloóban ng ama sa kabila ng gálit sa anak