root word: anínag
to have been able to slightly see
Hindi ko naaaninag ang daan tungo sa kanila.
I can’t make out the path towards them.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
naaaninag: naaaninaw
naaaninag: nakikitang bahagya
Paano naaaninag ang kultura sa isang lugar o rehiyon?
Pinigil ni Goyo ang kanyang mga sundalo upang siyasatin kung saan naroroon ang kalaban. Tumayo ito at inaninag ang kapaligiran.
Kinabahan na ako. Naaaninag ko na ang batong pabilog na nakalutang sa kalawakan na magsisilbing palaruan ng tatlong naghahabulang buwan. Nagsisimula na ring magtago ang ikalawang araw. Nakita ko na ang daan patungong bayan. Ligtas na ako sa lalaking nangangabayo. At ang iniisip ko na lamang ay ang umabot sa huling liwanag ng ikalawang araw. Doon ko ipinasyang tumakbo na. Hindi ko na namamalayan kung paahon o palusong ang binabagtas kong daan.