Laban sa Pagdaragdag sa Oras ng Pagtuturo Gamit ang Wikang Ingles

(Marso 31, 2003)

Matindi naming tinututulan ang napapabalitang pagpirma ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng isang Executive Order na nag-uutos na gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa higit na nakararaming asignatura sa batayang edukasyon. Sa karerebisang Basic Education Curriculum, ang Ingles ay gagamitin sa pagtuturo ng Matematika, Agham, at Ingles. Wikang Filipino naman ang gagamitin sa pagtuturo ng Makabayan at Filipino. Ngunit sa ipatutupad na Executive Order, panukala ng DepEd (DECS noon) na ang TEPP at PEHM, na mga komponent ng Makabayan, ay ipatuturo na sa Ingles; ang Values Education at Social Studies na lamang ang ituturo sa Filipino. Sa kabuuan, mahigit na 70% ng oras ng pagtuturo ay ilalaan sa Ingles. Continue reading “Laban sa Pagdaragdag sa Oras ng Pagtuturo Gamit ang Wikang Ingles”