MAMASA-MASA

root word: basâ (wet)

mamasá-masâ
moist

Mamasá-masâ ang sahig.
The floor is slightly wet.

mamasá-masâng bimpo
damp washcloth

mamasamasang semento
moist cement

mamasa-masa’t nilulumot
damp and mossy

KAHULUGAN SA TAGALOG

mamasâ-masâ: medyo basâ

halimbawa: mamasâ-masâng buhok pagkatapos maligo at magtuwalya o mamasâ-masâng hangin

mahalumigmig

Halos mamasa-masa pa ang hagdang kanyang kinauupuan, hatid ng ulan ng Hunyo. Sagana sa hamog ang langit, mapagpala ito sa mga tigang na bukirin. Mapagpala rin ang panahon kay Felipe, umaayon sa lahat niyang balak.

Tiyaking laging mamasa-masa ang lupa. Hayaang umagos ang tubig sa pagitan ng mga punso o nabuntong lupa upang makakuha ng higit na sangkap na pataba ang halaman.

Habang mamasa-masa pa ang aking buhok at gumagapang ang tubig sa aking leeg, dumadaloy sa dibdib, namamaybay sa puson at umaagos sa hita, sumasayaw ako sa harap ng salamin. Malamyos at mabining sayaw…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *