MAGKANTUTUTO

KAHULUGAN SA TAGALOG

magkantututo: mapalagay

Habulan nang matikabo,
kaharian ay nagulo,
Hari’y di magkantututo
ng utos sa mga tao.

Hindi magkantututo ang mag-ama at ang babae sa paghahain ng agahan sa mesita.

Sa harap ng tokador, hindi magkantuto si Lorrie sa pagpili ng damit na mas bagay — parang isang dalagang dadalawin ng manliligaw na sasagutin ng oo.


Umuugong ang kaniyang pandinig, mabibigat at hindi magkantututo ang kaniyang mga hakbang; sa kaniyang paningin ay nagsasalimbayan ang mga duguang alon, ang liwanag at dilim. Sa kabila ng maningning na liwanag ng buwan sa kalangitan, natitisod ang binata sa batuhan at mga pira-pirasong kahoy na nagkalat sa tahimik at luksang daan… Humahangos si Ibarra patungong tahanan.


Sa katuwaang tinamo halos di magkantututo, ang Adarna ay pinangko’t dinala sa Ermitanyo. Magalak namang kinuha ang nahuli nang Adarna, hinimas pang masaya nang ipasok sa hawla. Saka anang Ermitanyo: “Iyang banga ay kunin mo. madali ka at sa iyo’y merong iuutos ako. “Punin mo ng tubig iya’t ang dalawang bato’y busan, nang sa bato’y magsilitaw ang dalawang iyong mahal.” Si Don Juan ay sumalok ng tubig na iniutos, at sa batong nakapuntod dahan-dahang ibinuhos.


Hindi magkantututo sina Mang Bestre at Aling Valeria sa pagpapaupo kay Sammy. Agad na pinasugod ni Aling Valeria si Mang Bestre sa kapitbahay upang manghiram ng bentilador nang makitang pawis na pawis si Sammy. Sa silid, kinagagalitan ni Carmen si Pina. “Ano bang drama ‘to? Lumabas ka nga’t baka isipin ni Sammy na hindi sibilisado ang mga Pilipino!” “Ikaw na lang ang humarap, Carmen. Nahihiya ako!” Nagsiksik sa sulok si Pina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *