MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
magká-: pambuo ng pangngalan, nagsasaad ng relasyon ng dalawang tao, bagay, at katulad
halimbawa: magkasáma, magkapatid, magkababayan
magká-: pambuo ng pangngalang nagsasaad ng relasyon ng mahigit sa dalawang tao o bagay na inuulit ang -ka- na panlapi para magsaad ng maramihang relasyon ng tao, bagay o katulad
magká-: pambuo sa pandiwa, nagpapakíta ng katangiang mangyari, maganap, o magkaroon
halimbawa: magkabisà, magkaanak
magká-: pambuo ng pandiwang nasa kalagayang panghinaharap na inuulit ang pantig na -ka- sa panlapi
halimbawa: magkakabisà, magkakaanák