root word: diwara
madiwara
prying, nosy
madiwara
attentive to details
KAHULUGAN SA TAGALOG
diwara: gigi, ligoy
madiwara: mabusisi
madiwara: mausisa
Nakilala ko rito ang aking sarili, namamangha bilang mag-aaral sa usaping wildlife — ang mga tsonggong madiwara at mga kuwagong laging inaantok. Nakipagkilala rin sa akin ang ilap. Sa pagmamatyag, itinuturo ng ating mga mata ang mga sampagita, san francisco, santan sa gilid ng daan, at ang tumatagas na gripo na pinagpipistahan ng ligaw na bibe at kalapati. Sa marahang ihip ng hangin ng gabi, kumukuway ang mga talahib na suwerte sa mga magkaparis.