root word: lagutók
lumalagutok
emitting a cracking sound
This often refers to the cracking of knuckles or other bone joints. The noise is of small duration like the snapping of wood when being broken or the noise of wood being destroyed in a blazing fire.
The same word can be used to describe the cracking of a whip.
KAHULUGAN SA TAGALOG
lagutók: maikli ngunit buong tunog ng butóng binabaltak o inuunat, o ng tabla o kahoy na humaginit, o ng apoy kapag sinusunog nitó ang bagay na hungkag
Narinig ko ang kawayang lumalagutok.
Lumalagutok ang mga sanga ng puno sa bigat ng batang umaakyat.
Lumalagutok ang kanyang mga buto at may mumunting pintig ng kirot sa lamog niyang katawan.
❌ lumalagotok