Ang Luha ng Buwaya ay isang nobelang isinulat ng Pilipinong si Amado V. Hernandez. Mayroon itong 53 kabanata.
Ang nobelang ito ay tungkol sa mahihirap na magsasaka na nagbuklud-buklod laban sa kagahamanan ng pamilya Grande.
Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don Severo Grande, na nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes.
Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukha na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao sa pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang kasalanan.
Ang “luha ng buwaya” ay bulaklak ng dila na nangangahulugang “mapagbalatkayo” o “pagkukunwari.”
Luha ng Buwaya (Tagalog for “Crocodile Tears”) is a novel written by acclaimed Filipino novelist Amado V. Hernandez, who died in 1970. The work consists of 53 chapters.
The story is about poor farmers uniting against the wealthy Grande family. In the Filipino language, “crocodiles” represent corrupted individuals. 🐊
Luha ng Buwaya and Hernandez’s other novel Mga Ibong Mandaragit were based on his personal experiences. He was imprisoned in the New Bilibid Prison from 1951 to 1956.
The novel is about peasants from a barrio and their leader, a school teacher, fighting against oppression and greed. Through their action, the people find renewed belief in their abilities. Luha ng Buwaya was Hernandez’s realistic portrayal of the socio-political crisis in the Philippines from the 1930s until the 1950s.
Hernandez wrote the novel employing an “easy style” and contemporary Pilipino language. While writing the manuscript for Luha ng Buwaya, Hernandez was also acting as the editor of the prison newspaper named Muntinglupa Courier.