root word: káhog
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
kahog: kahihiyan dahil sa pagdating nang huli sa trabaho o sa pagka-atraso sa pagbabayad ng utang
kahog: pagmamadali
kumahog / magkangkakahog: magdumali; magmadali; mag-apura
kumahog-kahog sa pamumuhay
nagkumahog: nagmadali
pagkahog / pagkakahog: pagdudumali; pag-aapurá
Sayang lamang ang pagkakahog ninyó.
Abala sa kumahog na pag-oorganisa ng armadong paglalaban sa mga Hapon.
Sa sagsag-kumahog ng pang-araw-araw na buhay, at sa pag- baha ng samu’t saring bagay na hatid ng rumaragasang pagsulong ng agham (siyensiya) at teknolohiya, halos wala na tayong panahong mag-ukol ng pansin… — V.A. Makarenko
Sila ay nagkukumahog manalo lang sa karakrus at bakrat. Kwagong dilat tuwing may mga pabinggo o karera ng daga sa plasa.
…ay naroon si Goliath, kung minsa’y nagpupumiglas at nagkukumahog na halos makawala, samantalang sa may unahan nito, halos kahingahan, ay naroon si Muning, sa ilalim ng malaking kalan, hinihimudhimod, minsa’y hinahabol saan…