KRISALIS

Krisalis (chrysalis sa Ingles) ang tawag sa pupa o sa matigas na nakabalot sa isang pupa bago ito maging paruparo.

Sa panitikan, puwedeng gamitin ang salitang krisalis bilang pantukoy sa proteksiyong nakabalot sa isang tao bago ito maging lubos na sikat o lubos na anupaman.

Halimbawa:

Pagkatapos ng kanyang paghiwalay sa kanyang asawa, lumabas si Ana mula sa kanyang krisalis at naging tanyag na manunulat.

May lumabas na pelikula noong taong 1957 na ang pamagat ay Krisalis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *