This word is from the Spanish consulado.
konsuládo
consulate
mga konsuládo
consulates
konsul
consul
KAHULUGAN SA TAGALOG
konsuládo: tanggapan ng isang konsul
konsúl, kónsul: opisyal na hinirang ng pamahalaan na manahan sa siyudad ng ibang bansa, at magsilbing kinatawan para sa kapakanan ng kaniyang mga kababayan
Sa karamihan ng mga bansa ngayon, ang pangunahing tanggapan ay ang embahada na iisa lamang; samantala, maaaring maraming konsulado. Halimbawa, ang embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos ay nasa Washington, D.C. May mga konsulado ang Pilipinas sa New York, Los Angeles, San Francisco, at marami pang ibang lungsod kung saan maraming naninirahang mga Pilipino. Ang gawain ng embahada at mga konsulado ay tulungan ang mga Pilipino sa iba’t ibang bagay na may kaugnayan sa kanilang pananatili sa ibang bansa.
The English word can be translated into Tagalog as kónsuléyt.