root word: kambat (meaning: gesture to come)
kinambatan: gestured to someone to come
kumambat: made a gesture requesting someone to come
Isang taksi ang kinambatan ng dalaga.
The lady gestured to a taxi.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
kambat: senyas
kinambatan: sinenyasan
Bago ito umalis sa working area namin, tinapunan pa kami ng masamang tingin at kinambatan niya si Meg na sumunod sa kanyang upisina. Napahinga kami nang maluwag nang makaalis na ito. Pero mayamaya uli ay nagpaabot ng utos…
Kinambatan ni Egong ang mga agwador. “Halikayo,” yakag niya. Sumunod sa kanya ang maliliit at nagkakatuwaang agwador. Lumapit sila sa parihabang katawan ng poso…
Paibis pa lamang ako sa dyip, kinambatan na ako ng pangungulila at nasasabik nang isayad ang talampakan sa mga mga lansangang pinaliligiran ng mga pabrika. Estranghero ako muli sa pook na minsa’y itinuring na tahanan.
Hinuhugot niya ang susi nang lumabas si Manuel at kinambatan siyang umuwi na. Nagtuloy siya sa isang restawran. Naghulog siya ng sensilyo sa pay phone. Pagkadayal, narinig niyang may sumagot. “Sino ‘to?” “Si Mar …” Saglit, natahimik…