Kasarian ng Pangngalan

Panlalaki, Pambabae, Di-Tiyak, at Walang Kasarian

Ang pangngalan ay may kasarian.

May pangngalang panlalaki, pambabae, di-tiyak, at walang kasarian.

MGA KASARIAN NG PANGNGALAN

Panlalaki

bumabanggit sa tiyak na ngalan ng lalaki
– doktor, abogado, ginoo, ama,

Pambabae

bumabanggit sa tiyak na ngalan ng babae
– doktora, abogada, ginang, ina

Di-tiyak

maaaring tumutukoy sa ngalang pambabae or panlalaki
– guro, pulis, manggagamot

Walang Kasarian

bumabanggit sa mga pangngalan na walang buhay


Mga Halimbawa ng Pangngalang Panlalaki

duke, hari, kuya, labandero, lalaki, lolo, maestro, manong, ninong, nobyo, papa, pari, prinsipe, sastre, tandang, tatay, tindero, tito, tiyuhin

Mga halimbawa ng pangngalang pambabae

ale, ate, babae, binibini, doktora, dukesa, inahin, labandera, lola, madre, maestra, mama, manang, modista, nanay, ninang, nobya, prinsesa, reyna, tindera, tita, tiyahin

Mga halimbawa ng pangngalang di-tiyak

bata, kaibigan, kalaro, kapatid, kamag-anak, katrabaho, guro, mag-aaral, magulang, mananahi, nars, pangulo, pinsan, piloto, pulis

Mga halimbawa ng pangngalang walang kasarian

aklat, baso, damit, eroplano, gamit, halaman, itlog, kaldero, lampara, mesa, orasan, plato, relo, sasakyan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *