root word: sagsag
kasagsagan
season of abundance
kasagsagan
“at the height of”
sa kasagsagan ng krisis
at the height of the crisis
KAHULUGAN SA TAGALOG
kasagsagan: panahon ng pagkakarami, tulad ng bunga ng punong-kahoy sa kaukulang panahon ng pamumunga
May bilbil na rin gayong kasagsagan ng pagbibinata.
Taong 1998 ang kasagsagan ng krisis pinansyal sa Asya.
Dumating ito sa kasagsagan ng putukan.
Sa lahat ng mga probinsya ng Pilpinas noong 1899, sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano, ang lalawigan ng Samar na marahil ang pinakamahirap sakupin.
Kahit sa kasagsagan ng digmaan, laging dumadalaw ang lola niyang si Catalina sa Hacienda Binitin sa Murcia upang kumustahin ang anak na si Corazon at manugang na si Alfredo Montelibano.
Ang totoo, sa aking pagiging miyembro ng PETA nasulat ko at naipalabas sa Dulaang Rajah Sulayman ang aking dulang “Unang Alay” at “Dupluhang Bayan” noong kasagsagan ng Batas Militar.
Ang maiinit na damdamin sa pagsasaliksik ang magiging gabay sa lahat ng bagay na maaring magpahina ng loob sa kasagsagan ng pagsasaliksik. Ang mga ito ay ang pagkainis dahil sa hindi mabasa ang dokumento, ang di- pagkaunawa…
Kapwa boluntaryo ang mga magulang niya sa kasagsagan ng negosasyon para sa kapayapaan na noon ay nagaganap, bilang parte ng Geneva Convention.
Siya ay nagsilbing nars na nag-aalaga ng mga sugatang sundalong Pilipino noong kasagsagan ng yugto ng Rebolusyon sa Imus.