This word is from the Spanish carta.
karta
charter
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
kárta: isinulat na saligang-batas, konstitusyon, natatanging batas
kárta: kapangyarihan, poder, awtoridad, pribilehiyo
kárta: baraha, halaga ng isang uri ng baraha
kárta: sa sugal, ang kailangang baraha para manalo
kárta: balangkas
kárta: krokis, mapa
Ang Magna Carta ay isang kasulatan o dokumentong pinagpilitang sang-ayunan ni Haring Juan (King John) ng Inglatera. Iginiit ito ng mga maharlika o nobleng mga Ingles upang hindi maging katulad ng dati ang kapangyarihan ng mga hari. Itinatak dito ni Haring Juan ang kanyang selyo o tatak noong taong 1215. Nagbunga ito sa pagkakaroon ng pamumunong konstitusyonal sa kasalukuyan. Isang mahalaga at malaking impluwensiya ang Magna Carta sa Amerikanong Konstitusyon at sa Panukalang Batas ng mga Karapatan (Bill of Rights). Sinasaad nito na mayroong karapatan ang mga tao laban sa hindi makabatas na pagkakakulong na tinatawag na Habeas Corpus, kabilang sa iba pang mga patakaran. Muling inilabas ni Henry III ang Magna Carta noong 1225.