This word entered the Filipino language either from the Spanish estudio or more likely via the influence fo the English “studio.”
istudyo
studio
Ang salitang istudyo ay may maraming kahulugan.
– silid kung saan nagtatrabaho ang pintor (workspace)
– kumpanya na gumagawa ng mga pelikula o palabas sa telebisyon
– silid kung saan nagre-record ang mang-aawit ng mga kanta
– espasyo sa gusali kung saan nag-eensayo ang mga mananayaw
– simpleng apartment na walang hiwalay na silid-tulugan
Isang umaga’y napasukan niya si Ana sa istudyo.
Siya ba ay namasukan sa istudyo ng Regal, LVN, Paramount o Universal?
Direk, kailan ba magsisimula ito at kailan mo ako kailangang magpunta sa istudyo?
Guguluhin ng mga bata ang istudyo ko.