This word entered the Philippine lexicon via the Spanish language.
Il·yá·da
Iliad
In Spanish, this epic poem is known as Ilíada.
Ang Iliad (í·li·yád) ay epikong Griego na nagsasalaysay sa sanhi at kabuuan ng pagsalakay ng mga Griego sa Troy.
The Iliad is a Greek epic that narrates the causes and the entirety of the Greeks’ invasion of Troy.

Ang Ilyada ay isang tulang epikang tungkol sa pagsakop ng mga Griyego sa lungsod ng Troy.
Isinulat ni Homer, ito ay tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego noong kanilang kapanahunan. Ito ang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya. Hinango ang pamagat ng Ilyada mula sa Ilium, ang isa pang katawagan para sa Troy.
Itinuturing ang akdang ito bilang “Bibliya” ng mga Griyego, sapagkat nakaimpluwensiya nang malaki sa kanilang mga kaisipan. Sinundan ito ng Odiseya, na si Homer din ang sumulat.