Ikaw Lang Ang Masaya

Tula ni John Fritz

Ikaw Lang Ang Masaya

Ang sabi mo sa akin ay masaya ka.
Masaya kang nandiyan ako tuwing kailangan mo ng kausap.
Masaya kang nandiyan ako pag kailangan mo ng kayakap.
Masaya kang nandiyan ako tuwing kailangan mo masasandalan.

Nandito lang ako, hindi ako mawawala.
Nandito lang ako, hindi ako susuko.
Nandito lang ako kahit ang sakit sakit na.
Oo masakit! Masakit isipin na ikaw lang yung masaya sa ating dalawa.
Masakit isipin na, nandiyan ako palagi para sayo, pero wala namang ikaw para sa akin.
Masakit isipin na wala akong naririnig na pangalan ko tuwing kinukwento mo ang gusto mong mangyari.
Pangalan ko lang naman ang hinihintay ko.
Pangalan ko na gusto maging parte ng buhay mo

Nandito ako nakatayo sa harap ng bahay niyo.
Sinusubukang tawagan ka ngunit walang sumasagot.
Umuulan na ng malakas at hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.
Hindi alintana ang lamig at ang lakas ng patak ng ulan, masilayan lang ang ngiti na palaging sumasalubong sa akin.
Wala akong ginawa kundi ang titigan ang bintana ng kwarto mo.
Pinipigilan na ‘di kumatok.
Pinipigilan na ‘di maluha.
Pinipigilang na ‘di isipin na tinawag mo ako para saktan lang ng ganito.

One thought on “Ikaw Lang Ang Masaya”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *