root word: halayháy
ihalayhay
to line up
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
halayháy: hánay
ihalayhay: ihanay
halayháy: hanay ng mga bagay na nakabitin, gaya ng mais na ibinitin o isinampay upang matuyô
Silang lahat — lalaki, babae, pati na mga bata — ay sama-samang nagtulong upang ihalayhay ang saku-sakong buhangin sa tabing-ilog. Tiniyak sa kanila ng inhinyero na hindi na sila manganganib sa lahar na aanurin ng tubig-ulan.