root words: hing + balà
miracle
miracles
Ito ay himalâ.
= Himala ito.
This is a miracle.
May himalang naganap.
There was a miracle that happened.
naghimala
a miracle happened
The Spanish-derived equivalent word that is also widely used, though with a slight difference in nuance, is milagro.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
himalâ: pangyayaring malinaw na salungat sa kinikilálang batas na siyentipiko
himalâ: katangi-tanging bagay o pangyayari
himalâ: kahanga-hangang halimbawa
Ang Himalâ ay isang pelikula noong 1982 sa direksiyon ng Pambansang Alagad ng Sining Ismael Bernal at batay sa istorya’t iskrip ni Ricardo Lee. Bukod sa isa itong box-office hit ay itinanghal itong pangunahing pelikula ng panahong iyon. Gumanap sa pangunahing papel ng dalagang pinaghimalaan at naging manggagamot si Nora Aunor at nagbigay sa aktres ng maraming parangal.
Sa istorya, ginampanan ni Nora Aunor ang papel na Elsa, isang sumikat na manggagamot ngunit pagkaraan ay isinumpa ng bayan niyang Cupang. Dahil sa kanyang pagpapagaling ng mga may karamdaman ay naging bal- ita siyá na pinaghimalaan. Dinumog ng mga may karamdaman at turista mulang iba-ibang lugar ang kaniyang bahay. Halos sambahin siya ng lahat. Nakinabang naman ang Cupang dahil kinalakal ang himala ni Elsa. Ito rin ang dahilan kayâ naisipan ni Orly na gumawa ng pelikula ukol sa búhay ni Elsa at siya ring nag-udyok sa kaniya na kunan pati ang ginawang panggagahasa sa Maynila kay Elsa at sa kaibigan nitong si Chayong ng dalawang binatang naimpluwensiyahan ng droga.
Nagkaroon ng epidemya sa Cupang at marami ang namatay. Isinisi ni Elsa sa sarili ang mga naganap at ipinasara ang kanyang pagamutan. Nang siyá ay magdalang-tao dahil sa panggagahasa, inisip ng kaniyang mga tagasuporta na ito ay himala galing sa Maykapal at tulad siya ni Birheng Maria.
Pinulong ni Elsa ang mga ito at sakâ inihayag sa kanila ang tanyag na linya: “Walang himala! Ang himala ay nása puso ng tao, nása puso nating lahat! Táyo ang gumagawa ng mga himala! Táyo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos…” Si Elsa ay binaril sa dibdib na kaniyang ikinamatay.
Ang Himalâ ay nagkaroon ng restorasyong high definition nitóng 2012. Ang naturang kopya ay nagkaroon ng primyer sa ika-69 Venice International Film Festival at itinanghal na isa sa mga dakilang pelikula ng mun- do.