Hiling,Lihim,Lungkot,Pagsisisi

Tagong Hiling

Sa bawat oras na kayo ay wala
Mabigat na damdamin aking dala
At magisa ko itong dinadama
O nasaan ka ba ? O aking ama.

Ang buhay na nawalan na ng kulay
Totoo bang mahal ako ng tunay?
Na nawalan ng pag asa sa buhay
Ano pa ba ang saysay ko sa bahay?

Nais maramdaman ang inyong halik
Ang puso kong punong puno ng pait
Pamilyang imposible nang makamit
Pamilyang mahirap nang maibalik.

Ang mga matang puno ito ng awa
At mga gabing palaging lumuluha
Na sana ay maayos ito muli
Buhay na puno ng pagkakamali

— Alexandrei Nicole L. Alonde

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *