HALOS

muntik na, kamuntik na, munti nang, malapit na

há·los
almost, nearly

halos
approximately, about

halos wala
almost nothing

Halos walang sumipot.
Practically nobody showed up.

Halos dalawang daan.
Almost two hundred.

Halos mamatay ako sa katatakbo.
I almost died from all that running.


MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

hálos:malapit na

hálos:sa ilang punto, antas, o katangian ay tíla magkatulad


halós:sa sinaunang lipunan, marangyang damit na isinusuot sa mga tanging pagdiriwang

halós:anumang bagay na pino o maselan.


Sa mga Waray, ang hálos ay malambot na bahagi ng abaka.

Sa wikang Hiligaynon, ang halós ay nangangahulugang gutóm o nagútom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *