GINHAWA

ginhawa: comfort, ease

ginhawa: wealth

ginhawa: convenience

maginhawa: comfortable; convenient

makaginhawa: to comfort, relieve; ease

nakagiginhawa: relieving

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

ginháwa: ang mithing kalagayan ng tao kapag walang kapansanan o malusog ang katawan, walang masamâng ugali o malinis ang puso, walang ligalig o maganda ang kabuhayan o pamumuhay, at walang hanggahan o hindi natatakdaan ng gulang, kasarian, lahi, yaman, pinag-aralan, at anumang pag-uuri ang pagsulong sa búhay

ginháwa: ang langit sa lupa

ginháwa: di-karaniwang gaan ng katawan

ginháwa: kasiya-siyang pakiramdam dahil gumalíng ang sugat o sakít; nalutas ang suliranin; maayos ang anumang suot o gamit; o nakamit ang nais

ginháwa: kalayaan sa anumang pangangailangan

ginháwa: pagtatamasa ng aliw at layaw

ginháwa: hiningá o paghinga

ginháwa: pagkain

ginháwa: gana sa pagkain

ginháwa: bituka ng hayop

maginháwa

komportableng pamumuhay, alwan o gaan ng buhay; karawisaan, katiwasayan; kaibsan sa hirap, paggaling sa sakit; konswelo, aliw, konsolasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *