GINAPI

root word: gapi

ginapi: to be overcome by

pagmamahal na ginapi ng karahasan
love that was overcome by violence

KAHULUGAN SA TAGALOG

ginapi: dinaig, tinalo

Ginapi ng lungkot ang ama kaya bumalik sa kanyang pamilya.

Mismo ang Pangulo ng Senado na si Quezon ay ginapi ng isang kandidatong Sakdalista.

Ito’y isang pagkalaki-laking udyok na makalaya ngunit bago pa man ito makausbong ay kagyat nang ginapi ng pagkabahalang maitakwil.

Sa pangunguna ni Caloy, tinalo ng Pilipinas ang Burma, Iran at India bago nila ginapi ang Hapon sa kampeonato.

Sa nayong ginapi ng tagtuyot at pagdaralita, tila inilarawan ni Bernal ang kahambal-hambal na realidad ng lipunang Pilipino.

One thought on “GINAPI”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *