gaygayin
travel from place to place for inspection
ginagaygay
is traveling from spot to spot
ginaygay
traveled from place to place
gagaygayin
will travel from place to place
Mga Halimbawa ng Paggamit
Ginagaygay niya ang makikitid na pilapil kapag siya ay pinaghahatid ng pagkain.
Palaging mayroon, kahit hindi panahon, sapagkat ginagaygay ni Niyong ang mga supermarket sa paghahanap. Kaya’t kung minsa’y maghahatinggabi na kung dumating sa pagamutan si Niyong. Laging inuunahan ni Didi si Niyong. Sadyang…
Tuwing bago tumanghali’y ginagaygay ng kubrador na ito sa huweteng ang karamihan ng bahay sa buong looban. Limang araw sa isang linggo’y taya sa huweteng ang kanyang nililikom at pinaparoonan niya ang mga mananaya.
Ginagaygay ang magkasangang landas sa tubig-alat
mula Bambang, Katwiran, Taliptip, Sta. Ana,
Sta. Ines at Bagumbayan.
Habang ginagaygay ang napakadawag na landas sa lungsod,
may nararaanan na antigong tulay at buhay na ilog.
Putakting nanugis ang mga gunita ng lumang Escolta,
ng lumang Binondo habang nakasakay sa gipong kalesa.
Sa lungsod…
Nangangarap tayo kapag naglalakad sa damuhan,
kapag ginagaygay ang dalampasigan o umaakyat ng bundok —
pinapanood ang mga ilaw sa mga tulay at gusali
at ang mga tala na kasing-ningning ng mga matang umiibig…
Ginagaygay ang bundok, nag-oorganisa, kinakandong ng masa, nagbubudbod ng asin sa kanin. Umaalalay.
Naroo’t ginagaygay ng matandang hitana
Ang kalatas ng bawat palad, lagda’t baraha.
Naroon din ang mahaba’t lumilikaw na pila
para sa maiilap na gulay, gamot, at vodka
at mapupusok na talumpati at plakard
laban sa kung sinong…
Pinapatnubayan ng dalawang taong-bundok na may taglay ng kanyang dala-dalahan, natagpuan niya ang sariling ginagaygay ang Isarog sa kalibliban ng gubat na nagkukubli sa kuweba ng mga katutubong lipi ng mga sinaunang tribu roon.
…hanggang isang araw,
habang namamangka
ay tumaob ang bangka’t
muntik na akong malunod,
noong ginagaygay ang mahabang ilog
Madalas namang ginaganti niya ako ng matamis na pagbibiro: “Ikaw, sinong kasabay mong nananghali?” At kami’y masayang magkakatawanan sa telepono. Sa gabi ay namamasyal rin kaming tulad noong araw. Ginagaygay namin ang mga kilalang club.
Ginagaygay namin ito tuwing Disyembre para mamasko sa mayayamang pinsang buo ng nanay ko. Natatandaan ko na uunahin namin ang malaking bahay roon ng Tiyong Peles, kilalang doktor Nehal…
Magsasaka: Ang Bayaning Di Kilala
Sa gitna ng lunting bukid, makikitang ginagaygay
Nakasumbrerong balanggot, datna’t panawan ng araw
Sa pagganap sa gawai’y susugod s’yang walang humpay,
Dili iba’t magsasakang tunay na kahambal-hambal
Ngunit tanaw mo ang buong siyudad. Maulap, pero tanaw mo ang lahat. Pagkatapos… teka… pagkatapos… naglakad ako uli… ginaygay ko ang buong Champs Elysees. Ang damdam ko, ginagaygay ko ang landas ng kasaysayan.
Masaya pagkat kalong-kalong niya akong palagi. Ginagaygay ng kanyang mga kamay ang maliit kong katawan.
Madalas, natatagpuan ko ang sarili
Sa malamlam na silid,
Yapos ng marawal mong bisig
Buong ingat, buong ingat
Na ginagaygay ang mga bahagi
Ng katawang di pa nagagalugad
Ng mahal kong kabiyak.
Alam kong mabigat ang parusa
Ng mahal kong kabiyak