bigkas: eks post fák·to
An ex post facto law is a law that retroactively changes the legal consequences of actions that were committed, or relationships that existed, before the enactment of the law.
KAHULUGAN SA TAGALOG
ex post facto:may retrospektibong aksiyon o bisà
Ito ay mula sa wikang Latin, at sa ngayon ay ginagamit ng mga abogado kapag nagsasalita ng Ingles.
Ang isang batas na “ex post facto” ay may bisa kahit sa mga sitwasyong nangyari na bago pa man isinakatuparan ang batas.
Halimbawa: sabihin natin na may isang bansa kung saang walang batas tungkol sa paggamit ng droga… hanggang sa taong 1997, walang batas tungkol dito. Biglang nagbago ang gobyerno at nagkaroon ng batas noong 1998 na tuwirang nagsasabi na iligal ang mga droga at dapat ikulong ang mga gumagamit. Kung “ex post facto” ang batas, ang mga gumamit ng droga kahit noong 1996 at 1997 ay puwedeng kasuhan.
Pambihira ang ganitong mga “ex post facto” na batas.
Sobra pong nakatulong sir. Maraming salamat 🙂
Thank you po sir /Ma’am 😊
Good explanation, ayon na ayon sa hinahanap ko!! Well done great job 👍