Eksena sa Ulan
Umuulan na naman
Bawat patak ay musika
Na naghahatid ng mga alaala
Sa isipang gumagala
Madilim na kalangitan sa tag-ulan
Pilit na tinatakpan ang sigla
Asul at puti ay nawawala
Napapalitan ng abo at lumbay
Mga taong naghahanap ng masisilungan
Habang mga bata’y nagtatampisaw
Mga makukulay na payong
Na nagbibigay buhay sa makulimlim na kapaligiran
Pinapanood bawat patak
Pinapakinggan ang ihip ng hangin
Habang nakadungaw sa bintana
Habang hinihintay ang iyong pagtila