root word: dangal (honor, integrity)
KAHULUGAN SA TAGALOG
dumangal: nagpugay
Sa pag-ibig ng magulang
mga anak ay dumangal,
maagang pinaturuan
ng dunong na kailangan.
Sapat na sa iyo, bilang gantingpala,
Ang kaligayahang dulot ng gunita
Na tumutulong ka upang dumakila,
Lumaya’t dumangal itong ating bansa.
Lilipatan din ng alabok
Ang katawang sa pagtataksil dumangal.