DETRANSITIONING

DETRANSITIONING is the process of ceasing or reversing a transgender identification or gender transition, whether by social, legal, or medical means.

Ito ay kung ang isang transgender ay nagbagong isip at nais itigil ang pag-transisyon na maging ibang kasarian.

Teka, ano ang ibig sabihin ng transgender?

Ang isang transgender na tao ay babae na gusto ang sariling katawan ay maging lalaki — o di kaya isang ipinanganak na lalaki na gustong gawing babae ang katawan.

Mahigit ito sa nakagawian nating mga bakla o tomboy noong unang araw na medyo binabae o binalaki lamang. Ang mga transgender ay pursigido na maging iba ang kanilang kasarian. Karamihan sa kanila ay gustong mag-transition o pagbaguhin ang pisikal na anyo ng kanilang katawan. Umiinom sila ng hormones o matinding gamot para baguhin ang andar ng kanilang katawan. At marami pa ay nagpapaopera para tanggalin ang kanilang suso (sa kaso ng mga ipinanganak na babae) o titi (sa kaso ng mga ipinanganak na lalaki).

Pinaka-kilalang transgender marahil ay si Bruce Jenner — na ngayon ay Caitlyn Jenner na ang ginagamit na pangalan.

Ang problema ngayon sa Kanluran ay maraming kabataan ang nagpapasya na sila ay transgender bago pa sila umabot sa edad na 18 anyos. Meron pa ngang mga magulang na nagsasabing ang kanilang maliliit na anak — mga musmos na mas bata sa 10 anyos — ay gustong maging transgender at dinadala nila ito sa duktor para mag-transition (magpapalit ng kasarian gamit ng hormones o gamot; minsan pa ay surgery o pag-oopera).

Marami sa mga batang ito ay nagbabagong-isip paglaki o pagkagulang nila at gusto nilang bumalik sa dati nilang kasarian — lalo na’t mabigat na pasanin ang pangangailangan na uminom ng gamot para manatiling transitioned.

Ang proseso ng pagbabalik sa dati nilang kasarian ay tinatawag na detransitioning. Ang pinakamahalagang elemento ng prosesong ito ay ang pagtigil sa pag-inom ng hormones.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *