De Ciento
Ang ganda mo’y bombilyang pagkaliwa-liwanag
at ang puso ko
ay isang munting gamugamo
Sari-saring kulisap
ang nararahuyo sa iyong liwanag
Hinahayaan mo silang lumapit
at bumahagi ng init
Lumapit din ako
at dinama ang init ng iyong katawan
Ako’y sinagpang ng munting dragon
na ang pangala’y kasawian!