CUNEIFORM

cuneiform writing

The Filipino word kuneiporme is derived from the Spanish cuneiforme.

Ang kuneiporme ay isa sa mga pinakamaagang sistema ng pagsulat. Ito ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.

Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga eskriba ng isang maliit na patpat na tinatawag na istaylus.

Hango ang kuneiporme sa salitang Latin na cunneus o ang kombinasyon ng mga wedge na ginagamit na tanda nito.

cuneiform

Hindi sa papel sumusulat ang mga Sumerian kundi sa tabletang luwad na ginagamitan ng istaylus habang malambot. Pagkatapos, pinatutuyo ito sa araw hanggang sa tumigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *