Ano ang ibig sabihin ng cosmompolitan bias?
Subukan nating ipaliwanag sa wikang Filipino.
Ito ay pagkiling sa pananaw ng mga naninirahan sa magagarang siyudad.
Ang salitang “cosmopolitan” ay may iba-ibang depinisyon sa diksiyunaryo, ngunit sa pariralang ito, ang tinutukoy ng pang-uring “cosmopolitan” ay yaong mga soshal na taong namumuhay sa malalaking siyudad tulad ng New York.
Kung baga, ang pagkakaroon ng “cosmopolitan bias” ay kasalungat ng pananaw ng mga probinsiyano.
Naging sikat ang pariralang “cosmopolitan bias” nang gamitin ito ng isang opisyal ng gobyerno ni Donald Trump noong ika-2 ng Agosto 2017 sa kanyang pagsagot sa katanungan ng isang “fake news” reporter na ang pangalan ay Jim Acosta (Kubano ang mga ninuno, hindi Pilipino).
Dahil ang bagong planong pang-imigrasyon ng gobyerno ni Trump ay may pokus sa pag-aaral ng wikang Ingles, tinanong ni Acosta kung ibig bang sabihin ay mga taga-Britanya at taga-Awstralya lang ang gustong tanggapin nina Trump bilang imigrante. Sagot naman ni Stephen Miller, halata raw ang “cosmopolitan bias” ni Acosta kasi sa pag-iisip ni Acosta yaong mga taga-Britain at taga-Australia lang ang marunong matutong mag-Ingles. Minamaliit daw ni Acosta ang kakayahan ng ibang imigrante.
Medyo magulo iyong pagtatalo ng dalawa, kaya marami ang nalilito kung ano ang punto ng bawat isa.
Sa palagay ninyo, may karapatang ba ang Estados Unidos na hilingin na matutong mag-Ingles ang mga imigrante? Sabi kasi ni Acosta at ng kanyang mga kapwa liberal, masama raw ang ganitong requirement. Sabi naman nina Miller at mga kapwa niya sa loob ng administrasyon ni Trump, tapos na ang panahon kung kailan kahit sino ang puwedeng maging imigrante; dapat daw para sa ikabubuti ng Amerika at para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Estados Unidos, dapat ay may mga tuntunin na dapat sundin ang mga gustong maging lubos na mamamayan ng Amerika — at isa na nga dito ay ang pag-aaral sa wikang Ingles.
Alam naman siguro ng lahat na maraming imigrante sa Amerika, kahit ilang dekada na silang naninirahan doon, ay hindi pa rin nakapagsasalita ng Ingles… kaya may mga naiiritang tagasuporta si Trump… Kung nais nilang maging mamamayan ng Amerika, bakit daw ayaw nilang matutong mag-Ingles.