This word is from the Spanish Babilonia.
Babilónya
Babylon
Ba·bi·lón·ya
KAHULUGAN SA TAGALOG
Babilónya: sinaunang rehiyon ng Mesopotamia na yumabong mula 1900 BC hanggang 538 BC, sinakop ng Persiya noong 539 BC
Isa itong pangunahing estadong lungsod sa sinaunang Mesopotamya. Ito ay naging imperyo sa Gitnang Silangan.
Ang lokasyon nito ay ang masaganang kapatagan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates.
Nagunaw ang imperyo pagkamatay ni Hammurabi. Ang Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya ay itinuturing na isa sa Pitong Kababalaghan ng Sinaunang Mundo.
Matatagpuan ang labi ng Babilonya sa Irak, mga 85 kilometro (55 milya) sa timog ng Baghdad.