Ano ang Kantahin?

Ano ang Kantahin?

Ang kantahin ay binubuo ng mga payak na salita at sukat. Nahahati ito sa ilang taludturan, maikli at tiyakan. Ang damdamin ay maaaring pansarili at panlipunan. Ang mga kantahing ito’y nagpapalipat-lipat sa bibig ng ating mga ninuno. Sapagkat ang pag-awit ay pangunahing libangan ng ating mga ninuno kaya’t halos lahat ng gawain at damdamin ay inaangkupan nila ng kantahin.

Ano ang kantahing pansarili?

Ang kantahing pansarili ay nagbubuhat sa mga damdaming may kaugnayan sa mga bagay na lalong malapit sa puso ng isang tao. Ang kanyang pag-ibig, kawalang-pag-asa, mga pangamba, lugod at kalungkutan, kanyang pagbibiro o totohanang dinaramdam, atbp.

Ano ang kantahing panlipunan?

Ang kantahing panlipunan ay nagbuhat at may kinalaman sa mga damdaming sumasaklaw sa maraming tao, gaya ng mga kantahing panrelihiyon, ang kantahing ukol sa pagsasamahan. Mayroon tayong mga kantahing-panrelihiyon at ang mga kantahing-makabayan. Halimbawa din ang mga awitin ng mga nangangaluluwa kapag gabi sa araw ng mga patay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *