Ang Tingga
Mabigat, malamig… Walang buhay, walang kislap,
nguni’t gatungan mo’t ilimbag sa limbagan,
nagiging limbagan ng Diwa ng lahat.
Mabigat, malamig… Walang buhay, walang kislap,
nguni’t nang mag-apoy at biglang sumulak,
naging limbagan din ng Lintik at Kidlat
Mabigat, malamig… Walang buhay, walang kislap,
limbagan ng Diwa’y limbagan ng Kidlat..
O! ikaw ay punlo! O! ikaw ay Tabak!