This novel by acclaimed dramatist Patricio Mariano draws heavily on the stereotype of the shy, modest barrio girl and the brash, scheming, and unfaithful city girl.
Summary
Berta is a beautiful barrio lass who peddles native delicacies. One of her customers is a handsome painter named Luciano who lives in Manila. Lucia, a Manileña married to Tintoy, falls in love with the painter. In revenge, the jealous Tintoy shoots Luciano while they are out hunting. Berta, who is in the vicinity gathering dampalit, hears the shots, sees the wounded painter, and takes care of him in her hut. Berta’s father turns out to be Mang Pedro, the owner of the house where Luciano lives. The heroine gains a lover and is reconciled with her father. The novel ends happily for the pair of lovers, but tragically for Tintoy and Lucia.
PANGKALAHATANG BUOD
Ang nobelang ito na sinulat ng tanyag na mandudula na si Patricio Mariano ay hinggil sa de-kahong katangian ng mahiyain at mahinhing dalagang taganayon, at ng dalagang tagalungsod na padalus-dalos, mapaghinala, at salawahan. Inilarawan si Berta na marikit na dalagang nagtitinda ng katutubong pagkain. Naging suki niya ang pintor na si Luciano na naninirahan sa Maynila. Si Lucia naman, na Manilenyang asawa ni Tintoy, ay napaibig sa pintor. Sa labis na panibugho, gumanti si Tintoy at binaril si Luciano habang nangangaso sila. Nagkataong naroon sa kalapit na pook si Berta na namimitas ng dampalit, at nakarinig ng putok. Natagpuan niya ang sugatang pintor, at inalagaan niya sa kaniyang kubo. Nabunyag na si Mang Pedro, ang ama ni Berta, ang may-ari ng bahay na tinitirahan ni Luciano. Ang bida ay nagkaroon ng mangingibig, at nakipagbati sa kaniyang ama. Nagwakas nang masaya ang nobela para sa magsing-irog, samantalang madilim ang naganap kina Tintoy at Lucia.
NOTES: The novel Ang Tala sa Panghulo is in the tradition of a romantic love story (of a rich man and a poor woman falling in love and confronting obstacles, but living happily ever after) which would have countless variations as the decades wore on.
MGA TALA: Ang nobelang Ang Tala sa Panghulo ay nasa tradisyon ng romantikong kuwento ng pag-ibig (na hinggil sa mayamang binata at mahirap na babaeng nagmahalan, at humarap sa mga pagsubok, at namuhay nang masaya) na magkakaroon ng maraming baryasyon sa paglipas ng panahon.