ANG MAKATANG LAGALAG
Ako ang makatang lagalag,
ginagalugad ko ang kalawakan,
nililipad ko ang himpapawid,
nilalakbay ko ang apat na sulok ng mundo,
at nilalangoy ko ang karagatan.
Ako ang makatang lagalag,
madalas na nalalaglag,
napapatid ng mga balag,
may mga pag-uurong sulong na madalas,
subalit hindi humihinto sa pagsulat.
Ako ang makatang lagalag,
na laging pumapalag,
kumakasa ang panulat ko
at hindi ito kailanman yumuyuko
sa kabuktutan ng mga mapagsamantala
at naghaharing uri.
Biyaya ba o sumpa?
Hindi ko alam basta ang alam ko lang
makata ako at lagalag.