Ang Batang Palaboy na Nilasing ng Mga Sanggano

Ang tulang ito ay isinulat ni Federico Licsi Espino, Jr.

ANG BATANG PALABOY NA NILASING NG MGA SANGGANO

Hindi na siya nasasaklaw ng mga alamat.
Pasuray-suray siya patungo sa katotohanang
Ang isang palaboy ay tinatangay
Ng puyu-puyong hangin. Kamusmusang
nanguluntoy.
Kamuraang natigang. Sumuso siya ng alak
Sa dibdib na bubog sa pagitan ng mga
halakhak
At maanghang na biro. At umakyat na sa
simboryo
Ng diwa ang init ng alkohol. Ngayo’y pinupuno
Niya ng nikotina ang mga bagang dinadarang
Ng alak sa mga landas ng dugo. Ibinubuga niya
Ang asap ng lipunan at pasuray-suray ngang
Binabagtas ang lansangang patungo sa isang
Kinabukasang pusikit tulad ng hatinggabi.
Kung kapatid mo siya, ano ang iyong iisipin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *