Pantawid Pamilyang Pilipino Program
The Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) is a human development measure of the national government that provides conditional cash grants to the poorest of the poor, to improve the health, nutrition, and the education of children aged 0-18.
There are two types of cash grants — health grant and education grant.
WASHtong Kagawain sa Kalinisan (WAter, Sanitation, at Hygiene)
Habang bata pa, naniniwala ang DSWD na kinakailangang matutunan na ang wastong kagawian sa kalinisan. Bahagi rin ito ng ating pagtupad sa layuning pataasin ang antas ng pamumuhay ng ating pamilya.
Kaya naman, sa eFDS na ito ay ating aalamin ang wastong kagawian tungkol sa Water, Sanitation, at Hygiene o WASH upang makaiwas tayo sa pagkakasakit tulad ng Acute Bloody Diarrhea, Cholera, Hepatitis, at Typhoid fever. Babalikan natin ang WASHtong paghuhugas ng kamay bilang ating unang depensa laban sa sakit. Malalaman din natin ang iba pang mga kagawian para siguradong malinis ang ating tubig, pagkain at kapaligiran.
Halina’t SaMa-SaMa nating palakasin ang ating mga WASHtong gawi sa ating mga sarili at tahanan upang masiguro ang kapakanan at kalusugan ng ating mga batang anak, lalo na ang mga nasa edad 3-5 taon, tungo sa patuloy na pag-unlad nating mga ka-4Ps.