Ang yoga ay isang paniniwala at gawain ng pagdidisiplina sa katawan at isipan.
Yoga is a belief and form of discipline for the body and mind.
Isa itong matanda o isinaunang sistema na nagmula sa Indiya na gumagamit ng mga teknik o pamamaraan sa paghinga, ehersisyo, at meditasyon. Pinaniniwalaang nakapagpapainam ng kalusugan at nakapagbibigay ng kasiyahan ang yoga.
This is an old or ancient system from India that uses techniques or methods for breathing, exercising and meditation. It is believed that yoga improves health and can provide happiness.
Ang yoga ay salitang Sanskrito na ang ibig sabihing unyon o pag-iisa.
Yoga is a Sanskrit word that means union or oneness.
Sa pangkalahatan, tinatawag na yogi ang isang taong nagyoyoga, bagaman maaari rin itong tumukoy sa isang lalaking nagsasanay o nagsasagawa ng sari-saring mga anyo ng daan ng yoga. Bukod sa yogi, tinatawag ding yogin ang lalaking nagyoyoga. Yogini ang katuringan sa isang babaeng nagyoyoga.
In general, people who do yoga are called yogi, although the word can also refer to a man who practices or implements various forms of yoga paths. Aside from yogi, men who practice yoga are also called yogin. The appellation for women yoga practitioners is yogini.
